CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Monday, August 27, 2007

Nag-BLACKOUT Ka Na Ba?



Pinagpupursigihan ni Gil (Robin Padilla) na maging ulirang ama kay NiƱo (JM Reyes) sa gitna ng pakikipagtunggali nito sa pait ng pag-iwan ng kanyang asawa. Labis na pagkalulong nito sa alak na siyang nagiging sanhi ng makailang ulit niyang pagkawala ng ulirat. Natauhan na lamang ito nang isang gabi ay duguan ang kanyang kotse at may bangkay ng isang bata sa ilalim nito. Pipiliting ikubli ni Gil ang aksidenteng inaakala niyang siya ang may kagagawan. Samantala, nawawala rin ang anak ni Belen (Iza Calzado) na si Isabel (Ella Guevarra) isa sa mga naninirahan sa kanyang pinauupahang apartment. Habang unti-unting binabagabag ng konsensiya at naghihinagpis sa patuloy na pagtanggi ng asawang makipagbalikan, mapaghihiwalay ni Gil ang tunay na pangyayari mula sa tagni-tagning pananaw nito sa katotohanan at paglalaro ng kanyang imahinasyon.

Ang pagganap ni Robin Padilla bilang Gil ay nagpapahayag ng mithiin sa lahat ng di magkatugmang aspeto nito at nagbibigay ng naiibang sigla sa tradisyon ng pagganap sa pelikula. Mapangumbinsi rin ang malungkot na pagsasalarawan ni Iza Calzado sa papel ni Belen, hindi lamang ng pisikal na kalungkutan kundi pati na rin ng eksternal nitong pagsisikap bilang ina ng kanyang anak. Mahusay ang konsepto ng Blackout (Unitel Pictures, 2007) at kapuri-puri ang paggamit ng mga aspetong teknikal upang isalaysay ang kuwento nito. Ginalugad ng pelikula ang mga hangganang maaring tahakin ng isang alcoholic. Nagawa ng Blackout na lambungan ng misteryo ang daloy ng mga pangyayari upang sa huli'y maging higit na epektibo ang pagtukoy sa katotohanan. Mabisang nahuli ng malawak na saklaw ng mga tunog ang damdamin at lunan samantalang naitampok naman ng editing ang liksi at kapanabikan ng mga eksena. Habang nagiging kumplikado ang tunggalian, nahawakan ng pelikula ang pananabik ng manonood bunga ng malikhaing sinematograpiya at maingat na disenyong pamproduksiyon hanggang sa maipamalas sa wakas ng istorya na tao rin ang siyang biktima ng sariling kasiraan dala ng pagkalulong sa masamang bisyo.

Direksiyon: Ato Bautista

Dulang Pampelikula: Shugo Praico

Sinematograpiya: Lyle Nemensio-Sacris

Musika: Holland Buela

Editing: Richard Barnett

Disenyong Pamproduksiyon: Bloody Table

Prodyuser: Unitel Pictures

4 comments:

Ronald said...

Robin's finest performance bar none. He stinks on the screen. Too bad we were only less than twenty inside the cinema when I watched it.

Jojo Devera said...

i agree this is Robin's best! he literally sunk into Gil's character. movies like this should be watched by the moviegoing public. it's an amazing sophomore effort from Ato Bautista.

Ronald said...

Did you see Ato's first film? They say it pales in comparison than BLACKOUT. I would say BLACKOUT still comes close.

Jojo Devera said...

unfortunately, i still haven't seen Sa Aking Pagkagising... people who have seen it seem to like it more but i did enjoy Blackout, it's more of an homage to Mike de Leon's Itim...