Maligaya ang bagong kasal na sina Rico (Polo Ravales) at Tess (Diana Zubiri) kahit na naninirahan ang mga ito sa isang liblib na baryong wala man lamang ni isang kapitbahay. Manlalako ng sari-saring hinabing gamit si Rico at ilang araw siyang sakay ng kaniyang kariton sa panininda. Nabagabag si Tess sa mga mahihiwagang pangitain at mga tinig sa kaniyang paligid. Napanatag lamang ang kalooban nito nang makilala at maging kaibigan niya si Celia (Francine Prieto). Inimbita niyang manuluyan ito sa kanilang bahay habang hindi pa nakikita ang hinahanap na kamag-anak. Dito nagsimulang maligalig ang buhay ng mag-asawa.
Tinalakay sa Silip (Seiko Films, 2007) ang isang temang sikolohikal ngunit mapapansing ginami lamang itong kadahilanan sa paglantad ng mga eksenang pampalibog. Animo’y nanunukso sa simula, pasilip-silip habang naliligo o nagseseks at kadalasa'y nakababad lamang ang kamera sa ganitong mga tagpo. Nang lumaon ay hantaran na ang paghuhubad ang mga bida. Binibigyang katwiran na nagaganap lamang ang mga ito sa imahinasyon. Ipinakita sa pelikula na ang imahinasyon ay maaring maging mapanganib kung mawawalan ng kontrol o direksiyon. Maraming mga eksena ng karahasan at kalupitan ang pelikula. Hindi malinaw o sadynag nililito ang mga manonood kung paanong biglang nagbago ang karakter ng isang tauhan. Bagama’t isinali ang pari at simbahan sa pelikula ay mahina ang impluwensya nito at hindi man lang natugunan ang pangangailangan ng isang parokyano. Nakita sa pelikula na ang lubos na pag-iisa kung walang malikhaing gawain ay maaring magdulot di lamang ng kabagutan kundi maaring magtulak sa isang taong maabot ang kanyang sukdulan . Walang ibang pinagka-abalahan sina Tess at Celia kundi si Rico na kanilang pinag-aagawan. Samantalang ginagamit ni Rico ang dalawang babae sa kanyang pansariling kasiyahan. Hindi gaanong nagalugad ng Silip ang diskurso ng naratibo. Pinasilip lamang tayo sa mga kaganapan sa buhay ng nga tauhan ngunit hindi ito lubos na ipinauwa sa mga manonood.
Direksiyon: Joel C. Lamangan
Dulang Pampelikula: Raquel N. Villavicencio
Sinematograpiya: Romeo Vitug
Musika: Jobin Ballesteros
Editing: Jesus M. Navarro
Disenyong Pamproduksiyon: Edgar Martin Littaua
Prodyuser: Seiko Films


2 comments:
Hi Jojo,
Kamusta.
Believe it or not, binili ko ang DVD nito dahil it looked promising. Raquel Villavicencio, Romy Vitug and of course, si Joel Lamangan being involved. Gusto ko pa ring pagbigyan si Joel pero the movie turned out to be a big dissapointment. I did not find the movie believable and sexy, at all. Marami ring details ang pinabayaan na lang ni Joel.
Napansin mo ba na nakacross legs si Diana Zubiri habang naloloka sa police vehicle bago dumating si Polo? I could not help but laugh watching this.
hello Ariel!
nice to see you're back! Silip didn't offer anything new. the friendship between the two female leads was ripped off from Lamangan's own film 1999's Sidhi. i was hoping that the film might delve on something entirely different. i did notice Diana cross her legs inside the polie vehicle. the acting of the three leads was so superficial you can't help but laugh at the inconsistencies in their characters.
Post a Comment