Karamihan sa mga Pilipino ang makakaugnay sa Inang Yaya (Unitel Pictures, 2006) dahilan sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga ito sa pangangalaga ng bata sa bahay lalo kung kapwa abala sa paghahanap-buhay ang mag-asawa. Sa kasalukuyan ay nakikita natin ang eksodo ng mga kababaihan sa ibang bansa bilang mga yaya o di kaya'y domestic helper. Sila ang kumakayod, nag-iipon, at nagpapadala ng tulong sa kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Malaki ang naiaambag ng mga ito sa pagsulong sa ekonomiya ng bansa ngunit nakabubuti naman kaya ito sa pamilyang naiwanan sa sariling bayan? Tinalakay sa pelikulang ito ang kasaysayan ni Norma (Maricel Soriano), nanilbihan bilang yaya at katulong sa Maynila habang ang kaniyang anak na si Ruby (Tala Santos) ay inalagaan naman ng kanyang ina (Marita Zobel) sa probinsya. Nang biglang pumanaw ang ina nito ay nakiusap si Norma na makasama si Ruby sa bahay ng kaniyang mga amo. Malugod namang tinanggap ng mag-asawang si May (Sunshine Cruz) at Noel (Zoren Legaspi) ang bata at pinapag-aral pa ng mag-asawa si Ruby kasama ng kanilang anak na si Louise (Erika Oreta). Si Lola Toots (Liza Lorena), ang ina ni May ay matapobre at nagkaroon ng pagkakataong pinagbintangang nagnakaw ng kuwintas si Ruby. Naiinggit si Ruby sa mga mamahaling damit at laruan ni Louise at sa nakita niyang pag-alaga ng kanyang sariling ina dito. Naghihirap naman ang loob ni Norma na hindi mapagbigyan ang mga kahilingan ng sariling anak at hindi nito maunawaan ang kanilang kalagayan. Nang magdesisyon sina May at Noel na manirahan sa Singapore ay inalok si Norma na sumama sa kanila ngunit maiiwan nito ang anak na si Ruby. Mas malaki ang kikitain mo doon. Makakaipon ka, ang himok ng kanyang amo. Hindi nga ba't ito ang nagbubunsod sa marami nating kababayan na iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay sa pagnanasang guminhawa ang kanilang mag-anak? Muli kayang ilalagak ni Norma si Ruby sa mga kamaganak sa probinsya? Ano ang kanyang magiging desisyon?
Maalam at matatag ang pagkakaganap ni Maricel Soriano bilang Norma, ang pangunahing tauhan sa Inang Yaya, gayundin ang mga batang sina Tala Santos at Erika Oreta. Buong husay na ipinamalas ni Liza Lorena at naipahiwatig nito ang dinaanang pagbabago ng katauhan ni Lola Toots. Angkop din ang awiting Nanay ni Joey Benin. Simple lamang ang naratibo ng Inang Yaya na nahahawig sa pangkaraniwang buhay ng isang domestiko ngunit naipadama rin ng pelikula ang kanilang kalagayan at kahirapang nagbunsod upang iwan ang kanilang mga mahal sa buhay at makisama sa ibang pamilya. Lubhang nakakapagod ang manilbihanagod dahilan sa kung anu-anong trabaho naman ang pinagagawa dito bukod sa pag-alaga ng bata. Minsa'y napagsususpetsan, nariyan din ang isyu ng diskriminasyon. Isiniwalat ni Norma kay Lola Toots na hindi makatao ang pagtrato sa kaniya. Makatotohanan ang paglalahad ng pinagdaanan ni Norma at maayos itong nailahad ng dulang pampelikulaat naisalarawan ng mga manililikhang sina Pablo Biglang-Awa at Veronica Velasco. Sinalamin ng Inang Yaya ang katotohanang pumapaimbulog sa lipunan magpasahanggang ngayon. Dala ng labis na kahirapan ay napipilitang manilbihan ang mga babeng tulad ni Norma, ngunit isang pagpapatunay ang pelikula sa higit na kahalagahan ng responsibilidad ng isang ina sa sariling pamilya at hindi ito mapapantayan gaano man kalaking halaga ang maaring kitain sa ibang bansa.

Direksiyon: Pablo Biglang-Awa At Veronica Velasco
Dulang Pampelikula: Veronica Velasco
Sinematograpiya: Gary Gardoce
Musika: Nonong Buencamino
Editing: Randy Gabriel
Disenyong Pamproduksion: Norman Regalado
Prodyuser: Unitel Pictures